Dahil mungjoke lang din yung pagkakaregister ko nun sa botohan para sa SK nung 2010, bukas pa lang talaga ako makakaboto for the national elections. Medyo excited ako na medyo hindi. Kasi matatry ko nang magkaroon ng indelible ink sa right index finger ko. Hindi rin ako mahihirapan sa pagboto kasi bilang Iglesia Ni Cristo, may sinusunod kaming pagkakaisa sa paghalal ng mga mamumuno sa bansa. Block voting, for short. Kaya shade shade naΒ langΒ rin bukas.
Hindi ko rin naman masyadong bet ang politics kaya go with the flow lang ako. Ni hindi ko iniintindi yung mga harapan ng mga kumakandidato although minsan nanonood ako at medyo napapraning. Kasi para sa akin, dapat nasa atin ang pagsusumikap, kahit sino mang iboto natin, tayo pa rin ang makakatulong sa pag-asenso ng ating buhay.








